Panibagong dagdag singil sa kuryente, aprubado na sa Energy Regulatory Commission

93

Manila, Philippines – Nakatakda na namang magtaas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company o MERALCO.

 

Ito ay matapos payagan ng Energy Regulatory Commission dahil naman sa Malampaya shutdown.

 

Nabatid na aabot sa 19 centavos (P0.19) kada kilowatt hour ang dagdag singil.

 

Ayon pa sa ERC, ipambabayad ito sa utang sa mga planta ng kuryente.

 

Paliwanag pa ng ERC hindi ito bago at sa halip ay matagal na nitong inaprubahan ang 53 billion pesos na kailangang ipasa sa mga consumer.



Facebook Comments