Panibagong deadline ng SIM registration, hindi dapat hintayin ng mga subscribers bago magparehistro

Nagpasalamat si Committee on Appropriations Chairman at AKO BICOL Party-list Representative Elizaldy Co kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcis Jr.

Dahil ito sa pag-apruba ng pangulo sa rekomendasyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at telecommunications companies na palawigin ng 90 araw ang SIM registration.

Bunsod nito ay nanawagan si Co sa milyong-milyong mga Pilipino na huwag muling hintayin na sumapit ang panibagong deadline sa July 25 bago irehistro ang kanilang SIM cards.


Giit ni Co sa publiko, itanim sa isip na mahalagang makapagpareshitro sila ng SIM phone numbers dahil ito ay isang uri o paraan ng identification nila at access sa mahalagang mga serbisyo lalo na kung naging digital na ang ating bansa.

Kaugnay nito ay pinayuhan naman ni Co ang mga nangangasiwa ng SIM registration na bigyan ng higit na pag-alalay sa mga nahihirapan sa proseso tulad ng mga senior citizens at mga indibidwal na may kapansanan o special needs.

Una rito ay iminungkahi ni Co na dagdagan ang mga dokumento na maaring iprisinta sa pagpaparehistro dahil karamihan ay walang taglay na mga itinatakdang required documents ngayon.

Facebook Comments