Panibagong dialogue sa Kuwait, pinaplano ng pamahalaan – DFA

Pinaplano muli ng Pilipinas ang panibagong pakikipag-usap sa pamahalaan ng Kuwait kasunod ng nauna nang entry ban na ipinatupad ng nasabing bansa laban sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay Foreign Affairs Asst. Sec. Paul Raymund Cortes, bagaman nirerespeto ng pamahalaan ang desisyon ng Kuwaiti government, pipilitin pa rin ng gobyerno na kausapin ang Kuwait ukol sa nauna nilang desisyon.

Bagaman wala pang katiyakan kung pagbibigyan ng Kuwait ang kanilang kahilingan, sinabi ni Cortes na gagawin nila ang lahat ng makakaya upang mai-presenta ang mga nabuong panukala ng pamahalaan.


Pinasalamatan din ni Cortes ang pamahalaan ng Kuwait sa patuloy nilang pagpayag na makapagtrabaho pa rin sa nasabing bansa ang mahigit 200,000 overseas filipinos na dati nang naroon bago ipinatupad ang entry ban.

Facebook Comments