Naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng panibagong diplomatic protest laban sa China kaugnay ng nangyaring insidente sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, kabilang sa mga insidenteng ito ang ilegal na pangingisda ng China; pag-sunod ng Chinese Coast Guard sa mga bangka ng Pilipinas at ang paglalagay nito ng mga boya at mga lambat na humaharang sa pasukan ng shoal.
Muling inulit ng gobyerno ng Pilipinas na ang pag-aangkin ng Beijing sa West Philippine Sea ay malinaw na paglabag sa arbitral ruling noong 2016.
Nauna na ring naghain ng panibagong diplomatic protest ang DFA laban sa China dahil sa pagbabalik ng mahigit 100 Chinese vessels sa paligid ng Julian Felipe Reef noong Abril 4.
Iginiit ng DFA na ang presensya ng mga Chinese vessel sa lugar ay iligal at posibleng magdulot pa ng kaguluhan sa rehiyon.