Manila, Philippines – Tinawag na diversionary tactic lamang ng administrasyong Duterte ang paglalabas ng Pangulo ng panibagong listahan ng drug matrix kung saan iniuugnay ito sa Maute group.
Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, inililigaw lamang ng Pangulo ang atensyon sa totoong drug triad mula sa China na natuklasan sa Bureau of Customs kung saan kinasasangkutan din ito ng Davao group.
Naniniwala ang kongresista na nagagamit lamang ang pinakahuling drug matrix upang mabaling dito ang atensyon at makalimutan ang mga kaso ng extra judicial killings dahil sa war on drugs ng gobyerno.
Tinawag ni Baguilat na imaginary lamang ang drug matrix ng Pangulo para patuloy na mapagtakpan ang mga kabuktutan sa pamahalaan.
Ginagamit lamang ng Pangulo ang drug matrix bilang pang-harass at panakot ng gobyerno sa mga kalaban ng pamahalaan.