PANIBAGONG EBIDENSYA? | Committee on Justice, natuklasan na may dalawang undeclared properties si CJ Sereno

Manila, Philippines – Isiniwalat ni Ako Bicol PL Rep. Alfredo Garbin na nadiskubre ng House Committee on Justice ang mga undeclared properties ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Garbin na mayroong property si Sereno sa Bataan at Davao na hindi nakadeklara sa SALN nito.

Ito aniya ay nakalagay sa ipinasang SALN ni Sereno nang siya ay maupo na Chief Justice na ng Korte Suprema.


Aniya, pasok pa rin ito sa Culpable Violation of the Constitution dahil sa patuloy na misdeclaration ng SALN kahit ito ay Punong Hukom na.

Giit nito, hindi naman dapat magbulag-bulagan sa mga lumalabas na ebidensya tulad sa nangyari noon sa yumaong Chief Justice Renato Corona na tuluyang na-impeach dahil sa mga natuklasan pang paglabag.

Sinabi pa ni Garbin na sinusuri na nila ngayon ang liability ng Judicial and Bar Council matapos na palusutin si Sereno sa nominasyon at hinirang pa na Punong Mahistrado.

Duda naman si Minority Leader Danilo Suarez na posibleng may marching order mula sa dating Pangulong Aquino kaya naipwestong Chief Justice si Sereno.

Facebook Comments