Panibagong ECQ extension, suportado ng Kamara

Sinusuportahan ng Kamara ang panibagong dalawang linggong extension ng Enhanced Community Quarantine sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, epektibo ang ipinapatupad na ECQ dahil libu-libong buhay ang nailigtas sa panganib ng nakamamatay na COVID-19.

Sa kabilang banda naman ay ikinalungkot ng Speaker na marami ang lalong mahihirapan dahil sa ECQ extension lalo na ang mga dati ng may sakit.


Hindi anya ang mga ito makapunta ng mga ospital sa takot na makakuha ng COVID-19.

Kaya naman, nananawagan si Cayetano na magtulungan ang lahat upang hindi na tumagal pa ang pagpapairal ng ECQ.

Facebook Comments