Panibagong graft at administrative charges laban sa ilang opisyal ng PhilHealth, inihain ng NBI sa Ombudsman

Naghain ng panibagong kaso ng administratibo at graft charges ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng ilang mga opisyal sa maanomalyang paglabas ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) funds na nakalaan sa mga ‘fortuitous’ events gaya ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa NBI, pumayag ang ilang opisyal sa paglabas ng halos ₱33.8 milyong pondo sa dialysis center na B. Braun Avitum Philippines Inc. kung saan nabatid na hindi ito sakop ng ‘fortuitous’ events.


Kabilang sa mga kakasuhan sina PhilHealth chief Ricardo Morales, Executive Vice Presidents Arnel De Jesus at Renato Limsiaco, Senior Vice President Israel Francis Pargas, at 10 na iba pang opisyal.

Dawit din ang ilang opisyal ng nasabing dialysis center dahil sa hindi maayos na paglalabas at paggamit sa pondong ibinigay sa kanila.

Facebook Comments