Tuesday, January 20, 2026

Panibagong guidelines para sa pagpapatupad ng emergency cash transfer program, inilabas na ng DSWD

Naglabas ng panibagong panuntunan para sa pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Upang mas mapabilis at maging angkop sa pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng sunod-sunod na kalamidad.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao na ang layon ng bagong patakaran na ito ay maangkop ang ECT sa disaster response at early recovery ng mga internally displaced persons (IDPs).

Kabilang sa mga bagong patakaran ng ECT ay pagdedeklara ng State of Calamity ng Pangulo o lokal na pamahalaan; Market operability o kakayahan ng mga pamilihan na magbenta ng pangunahing bilihin; at Post Disaster Needs Assessment na tumutukoy sa lawak ng pinsala at pangangailangan ng mga apektadong residente.

Saklaw naman ng programa ang mga matindi at bahagyang naapektuhan ng mga kalamidad gaya ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, at iba pa.

Sinisiguro naman ni Asec. Dumlao na ipatutupad ang programa ayon sa kung ano ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad upang matulungan ang mga ito na makabangon agad.

Facebook Comments