Panibagong Guinness World Record – nasungkit ng tinaguriang “King Bee” ng Canada

Canada – Tinaguriang “King Bee” ng Canada ang isang lalaki na walang katakot-takot na nagpadumog sa libu-libong bubuyog.

Nasungkit ni Juan Carlos Noguez Ortiz ang Guinness World Record matapos niyang hayaan na kumapit sa mukha niya nasa 100-libong mga bubuyog sa loob ng 61 minutes!

Layon ng record-breaking performance na i-promote ang bagong horror film sa Canada na pinamagatang “Blood Honey”.


Si Ortiz ay empleyado sa Dickey Bee Honey Farm kaya sanay na raw siya rito.

Gusto rin daw ipakita ni Ortiz na hindi dapat katakutan ang mga bubuyog.

Facebook Comments