PANIBAGONG GULO | Controversial actor Baron Geisler, binugbog umano ng kanyang brother-in-law

Manila, Philippines – Tila nasangkot na naman sa gulo ang controversial actor na si Baron Geisler.

Sa instagram ng post ng aktor, diumanoy binugbog siya ng kanyang brother-in-law na hindi niya pinangalanan.

Sinasabing nangyari ang insidente sa bahay ni Baron sa Barangay Pulung Maragul, Angeles City, bandang alas-dos kaninang madaling-araw.


Confidential ang paghingi ni Baron ng certificate request for medical certification mula sa police station 3 ng Angeles City tungkol sa nangyari pero inilabas ito ng aktor sa kanyang IG.
Inilabas din ni Baron ang larawan ng duguan niyang mukha.

Sabi ng imbestigador ng police station 3 ng Angeles City, nagsadya si baron sa presinto para humingi ng certification for medical examination sa hospital director ng Rafael Lazalin Medical Memorial Center, matapos nitong manggaling sa Angeles University Foundation Hospital.

Halos sarado raw ang kanang mata ng 35-year-old actor nang magsadya sa police station.

Pero ayon sa pulis, medyo nakainom si baron nang dumating sa police station.
Kung saan hindi naman niya mabanggit ang pangalan ng bayaw dahil family matters daw ang dahilan.
<#m_-6446757764547018525_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments