Panibagong hirit na importasyon ng asukal, hindi dapat katigan ni Agriculture Secretary William Dar

Iginiit ni Senator Imee Marcos kay Agriculture Secretary William Dar na tanggihan o huwag lagdaan ang panibagong hirit na importasyon ng 350,000 metriko-toneladang asukal.

Ayon kay Marcos, aprubado na ito ni Hermenegildo Serafica, na siyang hepe ng Sugar Regulatory Administration.

Tahasang sinabi ni Marcos na ginawa na ni Secretary Dar ang Pilipinas na numero unong taga-angkat ng bigas.


Diin ni Marcos, dahil sa labis na importasyon ay patuloy na nababalewala ang kalagayan ng mga lokal na magsasaka at mga livestock raisers na ang kabuhayan ay namemeligro dahil sa tone-toneladang mga imported na manok, karne, isda at mga gulay.

Dismayado si Marcos na mistulang isa na umanong epiko ng kapalpakan ang agrikultura kaya sana naman ay huwag nang mag-midnight express para sa importasyon ng asukal.

Facebook Comments