Panibagong impeachment complaint laban kay VP Duterte, maaring isampa kahit wala pang pasya ang SC

Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Alfredo Ridon, malaya ang sinuman na maghain ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa sandaling matapos ang one-year bar rule sa Pebrero 5.

Aniya, hindi mahahadlangan ang hangarin ng sinuman o ng anumang grupo na maghain ng kaso para ma-impeach ang bise presidente.

Gayunpaman, umaasa si Ridon na maglalabas na ng pasya ang Kataas-taasang Hukuman hinggil sa apela ng House of Representatives ukol sa nakaraang impeachment complaint.

Paliwanag ni Ridon, kung pabor sa Kamara ang pasya ng Supreme Court, kakailanganin ng Senado na agad magsagawa ng impeachment trial.

Dagdag pa niya, i-a-adjust ng Kamara ang patakaran sa impeachment proceedings sakaling hindi paboran ng Kataas-taasang Hukuman ang kanilang motion for reconsideration

Facebook Comments