
Ayon kay House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima, hindi pa lusot sa impeachment si Vice President Sara Duterte.
Sabi ni De Lima, malapit ng matapos ang one year bar rule ng paghahain ng impeachment complaint kay VP Sara kaya may mga grupong naghahanda at nag-iisip na muli ng panibagong reklamo.
Diin ni De Lima, wala pang closure ang mga seryosong alegasyon laban kay VP Sara tulad ng kwestyunableng paggastos nito ng confidential funds at iba pang batayan ng impeachment.
Giit pa ni De Lima, nakalatag naman na ang mga ebidensya laban kay VP Duterte at nanatili ang panawagan na ito ay managot.
Facebook Comments









