Panibagong insidente ng karahasan ng China Coast Guard sa ating resupply mission sa Ayungin Shoal, kinundena ng mga senador

Kinukundena ng ilang mga senador ang ginawa ng China Coast Guard (CCG) na pagkumpiska at pagtapon ng pagkain at iba pang suplay sa resupply mission at pagharang sa medical evacuation ng ilang mga sundalong may sakit na nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Senator Sonny Angara, dapat na ipanawagan sa China ang pagpapanatili ng kahinahunan at huwag pigilin ang mga regular at non-hostile o hindi naman marahas na aktibidad ng mga tauhan ng Pilipinas tulad ng resupply mission na mahalaga para sa kalusugan at kapakanan ng mga sundalo.

This slideshow requires JavaScript.


Ang aksyon aniya ng CCG ay naglagay sa panganib sa buhay ng ating mga sundalong nasa Ayungin Shoal at ito ay maituturing na paglabag sa kanilang karapatang pantao.

Nanawagan si Angara sa Ehekutibo na gawin ang lahat ng posibleng paraan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa bansa.

Iginiit naman ni Senator Nancy Binay na paglabag sa protocol ng Geneva Convention at pagsuway sa international norms at human dignity ang pagharang sa medical aid para mga sundalo.

This slideshow requires JavaScript.

Sinabi pa ni Binay na nakahanda ang Pilipinas na iakyat ang isyu sa pinakamataas na pandaigdigang forum kabilang ang United Nations upang makamit ang katarungan at masiguro ang proteksiyon ng mga mamamayan.

Facebook Comments