Mariing kinokondena ng Dept. of Transportation (DOTr) ang mga insidente ng pamamato sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR).
Ito’y kasunod ng panibagong insidente nitong Miyerkules (Jan. 1) kung saan nabasag ang windshield ng isang tren ng PNR matapos batuhin sa Caloocan City.
Ang tren na tinutukoy ay isang refurbished Hyundai Rotem unit na galing ng Korea.
Agad namang napalitan ng bagong windshield ang naturang tren.
Dahil dito, muling nanawagan ang DOTr sa publiko na agad isumbong ang sinumang mamamato o nagtatangkang i-sabotahe ang operasyon ng tren.
Facebook Comments