Panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coastguard sa mga Pilipino sa West Philippine Sea, tinalakay sa Malacañang na pinangunahan ni PBBM

Nagpatawag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng special command conference sa Malacañang.

Ang command conference ay dinaluhan ng national security officials.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro na inalam ng pangulo ang detalye ng panibagong insidente.


Kaya naman, kinondena ito ng pangulo at seryosong tinututukan ang isyu.

Inutos rin ng pangulo sa Philippine Coast Guard (PCG) ang imbestigasyon sa panibagong pangha harass para matukoy ang mga susunod na hakbang ng gobyerno.

Facebook Comments