MANILA – May bago na namang insidente nang pangha-harass ang mga Tsino sa mga mangingisdang pinoy sa Panatag o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.Ayon sa kapitan ng bangka na si Greggy Itac, pagdating nila sa scarborough shoal noong Marso-a-uno, agad silang itinaboy ng Chinese Coast Guard gamit ang mga malalaking headlights.Hindi na nila nakunan ng cellphone video ang nasabing insidente, dahil na rin sa takot.Pero nakunan naman nila ng video ang isang barko na pinaniniwalaang mula Vietnam na posible ring itinaboy ng China.Dahil dito, muling hiniling sa pamahalaan ng ilang mangingisda sa pangasinan na solusyonan na ang agawan sa teritoryo para hindi sila malagay sa alanganin.Sa ngayon, wala pang natatanggap na report ang Philippine Coast Guard tungkol dito.Matatandaan, Abril ng nakaraang taon ginamitan ng water canon ang mga mangingisda mula pangasinan para itaboy sa West Philippine Sea.Una nang iginiit ng China na ang Scarborough Shoal ay bahagi ng kanilang teritoryo, kahit 220 kilometro lang ang layo nito sa Luzon.
Panibagong Insidente Ng Pangha-Harrass Ng China Sa Mga Mangingisdang Pinoy, Na-Ireport
Facebook Comments