Panibagong insidente sa Ayungin Shoal, pinag-usapan nina DFA Usec. Lazaro at Chinese Vice Foreign Minister Xiaodong

PHOTO: Armed Forces of the Philippines

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinausap sa telepono kaninang umaga ni Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong.

Sa kanilang pag-uusap, ipinaabot ni Undersecretary Lazaro ang anila’y strongest protest ng Pilipinas kaugnay ng agresibong aksyon ng China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia sa rotation and resupply (RORE) mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal nitong Sabado, March 23, 2024.

Ipinatawag din ng DFA kaninang umaga ang Charge d’affaires ng Chinese Embassy sa Pilipinas.


Maging ang Philippine Embassy sa Beijing ay nagpaabot din ng protesta sa China kaugnay ng panibagong pambu-bully ng tropa ng China sa Ayungin Shoal.

Ngayong taong ito ay umaabot na sa 14 ang protestang inihain ng Pilipinas laban sa China.

Facebook Comments