Inilabas na ng Professional Regulation Commission o PRC ang panibagong schedule ng examination partikular na sa mga kukuha ng pagsusulit sa Licensure Examination for Professional Teachers at Criminologists Licensure Examination.
Ito ay alinsunod sa PRC Resolution Nos. 1597(A) at 1597(B), series of 2022, ay nag-aanunsyo ng muling pag-iskedyul ng mga sumusunod na eksaminasyon sa para makakuha ng lisensya.
Ang mga kukuha ng LPT, kung ang dating schedule ay sa March 26, 2023, ngayon mas napaaga at sa March 19, 2023 na at ang filing period naman nito ay nagsimula noong December 12, 2022 at magtatagal ng hanggang February 6, 2023.
Habang ang mga kukuha naman ng pagsusulit sa Criminologists Licensure Examination ay kung dati ay sa June 4 to 6, 2023, ngayon ay sa April 3- 5, 2023 na, nakatakda namang mag-file ang mga ito na nagsimula noong December 16, 2022 hanggang February 16, 2023.
Samantala, para sa iba pang detalye, mag log on lamang sa www.prc.gov.ph. | ifmnews
Facebook Comments