Panibagong kaso kaugnay ng Dengvaxia Controversy, isinampa sa DOJ

Manila, Philippines – Sumugod sa Department of Justice ang mga magulang ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia.

Kasabay ito ng pagsasampa ng Public Attorney’s Office ng pang-32 criminal complaint laban kay dating Health Secretary Janet Garin at iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Ang mag-asawang Gerardo at Marissa de Luna ng Padre Burgos, Quezon ang tumayong complainant kaugnay ng pagkamatay ng kanilang anak na si Zarah Mae noong Nobyembre ng 2017 matapos maturukan ng Dengvaxia.


Nag-rally rin sa labas ng DOJ ang mga kaanak ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Facebook Comments