Cauayan City, Isabela- Patuloy na nakakapagtala ng mga panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 1, 2021, tatlumpu (30) ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Isabela kung saan ang labing siyam (19) ay naiulat sa bayan ng Tumauini; apat (4) sa Lungsod ng Ilagan; tatlo (3) sa Santiago City, tatlo (3) sa bayan ng San Mariano at isa (1) sa bayan ng Gamu.
Bagamat nakapagtala ng mga panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsya, gumaling naman sa nasabing virus ang dalawampu’t isa (21) na mga nagpositibo.
Sa kasalukuyan, mayroon na lamang 196 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela kung saan dalawa (2) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), apat (4) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APOR), sampung (10) Health worker, walong (8) pulis, at 172 na Local Transmission.
Nagpapatuloy naman ang ginagawang contact tracing ng mga lokal na pamahalaan para sa mga nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.