Panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa mahigit 200 pa rin!

Bahagya lamang ang itinataas ng naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa datos ng Department of Health, naitala ngayon ang 237 na COVID-19 new cases, mataas lamang ng dalawa sa 235 kahapon.

Umaabot na ngayon ang 2,836,915 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa kung saan 10,193 ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling.


Umabot naman sa 100 ang bilang ng panibagong nasawi sa virus, mas mataas ito sa naitalang sampu kahapon dahilan upang umakyat na sa 50,449 ang total death cases.

Nasa 565 ang panibagong gumaling sa sakit, mas mababa kumpara sa 780 kahapon.

Sa kabuuan ay nasa 2,776,273 na ang recoveries.

Pitong laboratoryo ang hindi naisama sa kabuuang datos dahil apat sa mga ito ang hindi operational noong Dec. 13 habang tatlo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Documents Repository System.

Facebook Comments