Isang panibagong kaso ng rabies ang muling naitala sa Mangaldan, ayon sa Municipal Agriculture Office.
Ayon sa ahensya, ang biktima ay mula sa Brgy. Anolid kung saa Kinagat ng aso ang sariling amo nito.
Kalaunay namatay ang aso at sumailalim ang katawan nito sa pagsusuri sa Rabies Diagnostic Laboratory kung saan lumabas na positibo ito sa rabies.
Nagtamo ng transdermal bite ang nakagat na amo at kasalukuyang nagpapagaling.
Ayon sa biktim, nakawala ang alaga nitong aso at kinagat ng umano’y asong gala na pinaghihinalaang may rabies.
Dahil dito, iginiit ng lokal na Pamahalaan ang pinaigting na umiiral na ordinansa na ‘Aso mo, Itali mo’.
Samantala, nagkaroon na rin ng pagbabakuna ng anti rabies sa mga alagang hayop sa barangay na umabot sa 101.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









