Panibagong kasong kinakaharap, hindi makakapagpahinto sa paglalantad ni Trillanes sa kasamaan at katiwalian ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV na magpapatuloy siya sa pagbubulgar sa umano ay mga katiwalian, pagpatay at secret bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Diin ni Trillanes, hindi rin niya tatantanan maging ang pagkakasangkot ni Presidential Son Vice Mayor Paolo Duterte sa smuggling sa Customs at pagkapuslit ng 6.4 billion pesos na shabu mula sa China.

Pahayag ito ni Trillanes, makaraang sampahan siya ng grupo ng mga abogado ng mga kasong inciting to sedition at proposal to commit coup d etat.


Giit ni Trillanes, ang mga kasong yan ay malinaw na harassment laban sa kanya ng mga minions o alagad ni Pangulong Duterte.

Niniwala si Trillanes na layunin ng nabanggit na mga kaso na agawin ang atensyon niya mula sa mga isyu laban kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments