PANIBAGONG LANDSLIDES SA VILLA VERDE TRAIL NG SAN NICOLAS, MULING NARARANASAN

Muling naranasan at namataan ang panibagong landslides o pagguho ng lupa sa Villa Verde Trail sa San Nicolas, Pangasinan.
Matatandaan na kamakailan lang ng may nauna nang naitalang landslide sa magkaparehong lugar na agad naman binalaan ang mga residenteng nasasakupan ng munisipalidad para sa ibayong pag-iingat.
Bunsod nito ang pag-aabisong muli sa mga riders, mga motorist o mga madalas na dumayo sa lugar na kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagpunta rito nang maiwasan ang anumang aksidente na posibleng mangyari.

Bagamat para sa mga pupunta ay pinaaalalahanan ang mga ito na mag doble ingat at siguruhin umano na light vehicles lamang ang sasakyan dahil may harang na mga malalaking bato rito.
Samantala, nagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas at tanggapan ng ikaanim na distrito sa Department of Public Works and Highways o DPWH para sa mga ihahanda at gagawing pagkukumpuni at pagsasaayos sa nasirang daan na patungo sa Brgy. Malico o ang Barangay Summer Capital of Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments