Panibagong Low Pressure Area na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility, patuloy na binabantayan

Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang isang bagong Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huli itong namataan sa layong 1,580 kilometers silangan ng Mindanao at wala pa itong direktang epekto sa bansa.

Inaasahang sa loob ng 24-oras ay papasok ito sa PAR bilang bagyo.


Sa ngayon, easterlies lamang ang tanging nakakaapekto sa halos buong bansa ngayong araw kung saan dala nito ang mainit at maalinsangang panahon.

Sa Luzon, maaliwalas na panahon at magiging mainit ang temperatura.

Sa Visayas, magiging maulap hanggang sa makulimlim na papawirin ang mararanasan.

Sa Mindanao, posibleng mahihinang ulan ang bubuhos sa malaking bahagi lalo na pagdating ng hapon o gabi.

Agwat ng temperatura sa sumusunod:
Metro Manila: 26-34ᵒc
Metro Cebu: 26-33ᵒc
Metro Davao: 24-34ᵒc

Sunrise: 5:37 ng umaga
Sunset: 6:11 ng gabi
DZXL558

Facebook Comments