Nasa 30 na panibagong Locally Stranded Individuals (LSI) na naman ang dumating malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pero nanatili lamang sila sa gilid ng isang convenience store dahil hindi na sila pinalalapit sa ilalim ng Skyway sakop ng Brgy. 183 sa Pasay City.
Ilan sa mga pasahero ay may mga ticket na sana subalit tatlong beses na raw na-rebook dahil laging nakansela ang kanilang flight.
Marami rin sa mga LSI ang walang ticket at nagbabakasakali lamang na mapasama sa tutulungan ng pamahalaan na makauwi sa kanilang mga probinsya sa Dumaguete, Davao, Cebu, Zamboanga at Cotabato.
Kabilang sa humihingi ng tulong ang isang boksingero na si Jerry Anoos Cañada na tubong Zamboanga del Sur.
Nanawagan siya kay Senador Manny Pacquiao na matulungan siyang makauwi at mabigyan ng kaunting tulong pinansyal dahil wala na siyang panggastos dahil ilang buwan narin silang na stranded dahil sa lockdown.