Panibagong mahigit 100 Dengvaxia cases, isasampa ng PAO sa susunod na buwan

Kinumpirma ng Public Attorney’s Office (PAO) na magsasampa sila ng karagdagang 102 Dengvaxia cases sa Department of Justice (DOJ) sa susunod na buwan.

Sa Zoom press conference ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta, sinabi nito na 101 sa mga kaso ay kinabibilangan ng mga batang namatay matapos turukan ng Dengvaxia Anti-Dengue Vaccine habang ang isa ay survivor.

Ayon kay Atty. Acosta, 97 sa mga kasong ito ay hawak na ng panel ng PAO habang ang 5 ay nasa evaluation ng PAO Forensic Team.


Ito na ang ika-anim na batch ng Dengvaxia case na isinampa ng PAO sa DOJ.

Sa ngayon, aabot na sa 168 ang kabuuang Dengvaxia cases na naisampa sa DOJ.

Sinabi pa ni Acosta na dahil sa pandemic ay bahagyang naantala ang pagpa-file nila sa mga kaso.

Pero, tiniyak nitong sa susunod na buwan ay personal na magtutungo ang PAO at magulang ng mga biktima sa DOJ para maghain ng kaso.

Facebook Comments