Panibagong matrix ng Malakanyang, minaliit ni Sen Trillanes

Minaliit ni Senator Antonio Trillanes IV ang panibagong matrix na inilabas ng malakanyang na nagsasangkot sa kanya at sa iba pang nasa panig ng oposisyon sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangilong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Trillanes, may pa-matrix matrix pang nalalaman sa halip na umayos si Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo.

 

Diin ni Trillanes, sila pa sa oposisyon ang sinisiraan ngayon gayong si Pangulong Duterte umano ang nagpapatay ng libu libong Pilipino, may bilyung bilyon pisong tagong yaman, gumigiba sa mga democratic institutions, minumura ang Diyos; at nag iimbento ng mga akusasyon sa kanyang mga kritiko.


Facebook Comments