Panibagong missile test ng North Korea, kinondena ng United Nations

Nagpahayag na din ng pagkondena ang United Nations kaugnay sa panibagong missile test ng North Korea.

Sa inilabas na statement ng 15-member council – iginiit nito sa Pyongyang na huwag nang magsagawa pang muli ng missile test kundi ay mahaharap ang NoKor sa panibagong sanction.

Matatandaang linggo nang maglunsad ng panibagong rocket ang Pyongyang na bumagsak sa kanlurang bahagi ng karagatang sakop ng Japan.
DZXL558


Facebook Comments