Hindi muling pinagbigyan ng korte ang mosyon ng kampo ng kontratistang si Sara Discaya upang mailipat sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Facility.
Ayon kay NBI acting Director Lito Magno, sa desisyon na inilabas ng korte, hindi muling pinagbigyan ang hiling at mosyon ni Discaya na maialis sa Lapu-Lapu City Jail at sa detention ng NBI ito mai-detain.
Samantala, iginiit din ng NBI na kahit pa nasa Lapu-Lapu City Jail si Discaya ay wala itong special treatment na natatanggap mula sa opisyal ng mga pamahalaan maging ang Philippine National Police (PNP).
Facebook Comments










