Panibagong nakawan ng ilang OTS screening officer sa mga pasahero, naitala sa NAIA

Nakapagtala muli ang pamunuan ng Office for Transportation Security (OTS) matapos mabunyag ang muling nangyaring pagnanakaw ng isang OTS personnel sa isang pasahero sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa Office for Transportation Security noon pang September 8 nangyari ang insidente ng nakawan na kinasasangkutan ng OTS screening officer subalit itinago ito sa media.

Lumalabas sa impormasyon na ang panibagong nakawan ng ilang OTS screening officer ay nakatalaga sa security screening checkpoint kung saan dumadaan ang mga papaalis na pasahero sa NAIA terminal.


Kung matatandaang noong February 22, limang tauhan ng OTS na nakatalaga sa NAIA Terminal 2 ang sinuspinde matapos mag-viral sa social media ang dalawang video ng pagkuha nila ng pera sa isang transiting Thai tourist na kinilalang si Kitja Thabthim.

Makalipas ang ilang mga araw, isa pang screening officer ang nakunan ng video na nagnanakaw naman ng relo sa pasaherong Chinese sa NAIA.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawa pa ring imbestigasyon kung mayroon pa bang nakawan na naganap nitong nakalipas na buwan at ng agad maaksyunan ang mga nagkasala upang agad na maparusahan ng awtoridad.

Facebook Comments