Panibagong nuclear engine test, pinakawalan ng North Korea

Manila, Philippines – Muling nagsagawa ng rocket engine test ang North Korea bilang bahagi ng kanilang ikalawang pagsasanay ngayong buwan.

 

Ayon sa Amerika, ang rocket engine test ay posibleng bahagi ng kanilang programa para makagawa ng Inter-Continental Ballistic Missile.

 

Ang pagde-develop umano ng North Korea ng ICBM ay maaaring maging banta sa Amerika na siyam na libong (9,000) kilometro lamang ang layo sa Nokor.

 

Tinawag naman ni North Korean Leader Kim Jong Un ang unang rocket engine test na “new birth” para sa kanilang rocket industry.



Facebook Comments