PAKISTAN – Naging matagumpay ang panibagong test launch ng Pakistan sa kanilang nuclear capable surface-to-surface missile.Ang ababeel missile ay may kakayahan na mag-deliver ng multiple nuclear warhead at maiwasan ang radar detection.Maaari rin itong makarating sa mga target sa layong 2,200 kilometro o sa ibang bansa partikular sa karatig bansang India.Magugunita noong enero 10 ay nagtagumpay din ang Pakistan na magpakawala ng kauna-unahan nitong submarine-launched cruise missile na may kakayahan din na magdala ng nuclear warhead.Kaugnay nito, inaasahang magdudulot naman ng mas matinding tensyon sa pagitan ng Pakistan at India ang panibagong nuclear test.
Facebook Comments