Monday, February 23, 2026

Panibagong oil price hike, epekto pa rin ng mga nagpapatuloy na giyera —DOE

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may kinalaman pa rin sa kaliwa’t kaliwang mga giyera ang panibagong pagtaas ng presyo ng langis bukas, February 24.

Tinukoy ng DOE ang lumalalang tesyon sa pagitan ng US at Iran na sinabayan pa ng joint exercises ng Russia at China.

Bukod pa rito ang patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa Energy Department, naka-apekto rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ang pagbagsak ng US Oil Inventory na naging dahilan ng paghihigpit sa supply ng langis.

Tiniyak naman ng DOE ang patuloy na pag-monitor nito sa galaw ng global oil market.

Facebook Comments