Panibagong oil price hike, ipapatupad bukas

Epektibo bukas ang panibagong oil price hike ng mga kompanya ng langis.

Nasa P0.55 na taas-presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.70 sa kerosene ang ipapatupad ng Seaoil, Pilipinas Shell at Caltex.

Kaparehong increase rin ang ipapatupad ng Petro Gazz At Cleanfuel maliban sa kerosene.


Ito na ang ikalawang sunod na linggong oil price hike matapos ang serye ng mga bigtime rollback.

Samantala, batay sa datos ng Department of Energy, umabot na sa P17.30 ang total net increase sa kada litro ng gasolina, P14.40 sa diesel at P11.69 sa kerosene.

Facebook Comments