May oil price hike na naman sa susunod na linggo.
Maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 ang magiging dagdag sa kada litro ng diesel at gasolina habang P0.75 hanggang P0.85 naman sa kerosene.
Ang panibagong oil price increase ay dahil sa pagtaas ng demand sa langis sa gitna ng sanction ng Amerika sa Iran.
Dagdag pa rito ang paghina ng palitan ng piso kontra dolyar nitong linggo.
Pati ang Liquefied Petroleum Gas (LPG), namumuro ring magmahal ng P0.50 hanggang P1 kada kilo.
Sa Mayo 1 pa malalaman ang aktuwal na dagdag-presyo sa lpg, na bunsod naman ng pagmahal ng imported contract price nito.
Facebook Comments