Panibagong pack ng hinihinalang cocaine, narekober sa karagatan ng Baras, Catanduanes

 

Panibagong hinihininalang isang pack ng cocaine ang narekober sa karagatan ng Baras, Catanduanes kahapon.

 

Ayon kay Catanduanes Police Provincial Director Police Sr. Superintendent Paul Abay, isang mangingisda na kinilalang si John Anthony Tabinas 27-anyos, residente ng Barangay Putsan, Baras, Catanduanes ang nakakita sa isang pack ng hinihinalang cocaine.

 

Nakabalot aniya ito sa brown at black na pakete na naglalaman ng white crystalline granules.


 

Sa kwento ni Tabinas sa mga pulis, nangingisda siya dakong alas-dos ng hapon kahapon nang makita ang palutang-lutang na pakete.

 

Agad niya itong itinurn over sa Baras Municipal Police Station. Sa ngayon ini-examine na ng PNP crime lab ang narekober na hinihinalang cocaine.

Facebook Comments