Panibagong pagtutulungan sa pagitan ng Mataas at Mababang Kapulungan, inaasahang uusbong matapos mabago ang liderato ng Senado

Optimistiko si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na uusbong ang panibagong pagtutulungan ng Senado at Kamara upang maisulong ang higit na magandang kinabukasan para sa mamamayang Pilipino at matugunan ang napakaraming hamon at oportunidad na kinakaharap ngayon ng bansa.

Pahayag ito ni Romualdez, kaakibat ang pagbati kay Senator Francis Chiz Escudero bilang bagong halal na pangulo ng Senado habang pinasalamatan naman niya si Senador Juan Miguel Zubiri dahil sa mahusay na paglilingkod at pamumuno sa Mataas na Kapulungan.

Tiwala si Romualdez na sa ilalim ng liderato ni Escudero sa Senado ay mas mapapalakas pa ang pagsusulong sa mga panukalang batas na daan para maging matagumpay ang mga nakalatag na programa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.


Binigyang diin ni Romualdez na ang Kamara ay mananatiling masigasig sa pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa pagpapabuti sa buhay ng milyon-milyong mga Pilipino.

Facebook Comments