Panibagong pangalan ng monkeypox virus, ilalabas ng WHO

Ilalabas ng World Health Organization (WHO) ang panibagong pangalan para sa sakit na monkeypox.

Ayon sa WHO, kasama ang mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa ay pinag-aaralan na nila ang magiging bagong tawag sa naturang sakit.

Sinabi rin ng 29 na scientists na ang usaping ito ay kailangan para sa non-discriminatory at non-stigmatizing nomenclature.


Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2,100 ang naitalang kaso ng monkeypox sa buong mundo kung saan pinakamarami dito ay mula sa Europe.

Facebook Comments