Panibagong panghaharass sa WPS ng Chinese Coast Guard, mariing kinondena ng Liderato ng Kamara

Mariing kinondena ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panibagong labag sa batas at agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea kung saan binangga nito ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard.

Giit ni Romualdez, ang nabanggit na hakbang ng CCG ay direktang pagsuwag sa ating soberenya at garapalang paglabag sa international law partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kung saan parehong lumagda ang Pilipinas at China.

This slideshow requires JavaScript.


Ayon kay Romualdez, patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon subalit ang mga huling insidente na kagagawan ng CCG ay nakakabahala at nagpapalala ng tensyon sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ni Romualdez na dapat itigil na ng China ang mga iligal na aksyon na nagdudulot ng panganib sa mga buhay ng mga manlalayag at lumalabag sa pandaigdigang pamantayan.

Kaugnay nito ay nanawagan si Romualdez sa ating mga kaalyadong bansa na tutukan ang pagtitiyak na iiral ang kaukulang batas at West Philippine Sea kung saan dapat maipatupad ang malayang paglalayag.

Facebook Comments