Panibagong proseso para sa mas maayos na transaksyon sa BOC, inilunsad

Inihayag ngayon ng Bureau of Customs (BOC) na mas pinadadali na ang pakikipagkalakalan ng mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa Pilipinas.

Base kasi sa inilabas na pahayag ng BOC, pirmado na ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang Customs Memorandum Order No., 15-2019 kung saan nagbibigay ito ng tamang paraan ng guidelines application, submission at maging ang pagproseso ng lahat ng Electronic Certificates of Origin o E-CO sa pamamagitan ng tradenet.gov.ph ay inaasahan na mas magiging mabilis na ang mga transaksyon sa customs nang hindi isinasaalang-alang ang kalidad ng trabaho.

Ang tradenet.gov.ph ang siyang mangangasiwa ng pagtanggap ng E-Certificate of Origin  sa mga ASEAN member states na magreresulta sa pagiging paperless nito at pagsunod na rin sa protocol ng legal framework para maipatupad ang ASEAN single window at ang na amyendahang ASEAN Trade in Goods Agreement o ATIGA Operational Certification Procedure.


Ayon kay Guerrero, layon nila na mapangasiwaan ang pagpapadala ng E-CO para sa mga exported at imported products gamit ang mga teknolohiya at global standards bilang pagsunod sa Customs Modernization and Tariff Act.

Paliwanag ng opisyal ang nasabing kautusan ay inaasahang magkakabisa labing limang araw matapos ang publication nito noong March 21, 2019 sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.

Facebook Comments