Panibagong re-supply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, muling humantong sa banggaan

Muling humantong sa banggaan ang isinagawang panibagong re-supply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon sa ulat na inilabas ng China Coast Guard, isang Philippine replenishment ship umano ang iligal na pumasok sa katubigang malapit sa Ren’ai Reef sa Nansha Islands, na humantong sa isang banggaan.

Binigyang-diin ng Chinese Coast Guard na ang ginawa nilang control measures laban sa barko ng Pilipinas ay alinsunod sa batas ng China.


Sa kabila ng paulit-ulit na babala, nilabag umano ng naturang barko ang International Regulations for Preventing Collisions at Sea sa pamamagitan ng paglapit sa Chinese vessel sa hindi propesyonal na paraan.

Naganap ang insidente kaninang 5:59 ng umaga kung saan ay iginigiit ng Chinese Coast Guard na ang responsibilidad sa nangyaring insidente ay dapat na panagutan at ganap na nakasalalay sa Pilipinas.

Facebook Comments