Panibagong record na P44 billion home loans, naitala ng Pag-IBIG Fund

Sa kabila ng pandemyang nararanasan ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic, naabot ng Pag-IBIG Fund ang panibagong record matapos makapaglabas ng P44 billion home loans para sa unang quarter ng 2021.

Batay sa datos ng ahensiya, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, kabuuang P44.34 billion ang nailabas na maituturing na pinakamataas na halaga at dobleng mas mataas sa P20.80 billion sa kaparehong panahon noong 2020.

Mas mataas din ito sa P37.07 billion naipalabas noong Enero hanggang Hunyo 2019 nang hindi pa naipapatupad ang community quarantine sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.


Paliwanag naman ni Secretary Eduardo del Rosario, Head ng Department on Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, indikasyon ito ng pagdami ng mga Pilipinong nais na maging parte ng Pag-IBIG home loan programs.

Tiwala naman si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmand Rizaldy Moti na sa katapusan ng 2021 ay malalagpasan na ang kabuuang home loan releases noong 2019 na aabot sa P44.34 billion.

Facebook Comments