Pinalagan ng National Union of Journalists of the Philippines ang panibagong red-tagging na ginawa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilang media organization.
Ito ay kahit na ibinalita lamang naman ng ilang media organization ang ginawang pagsasampa ng kaso laban sa isang opisyal ng NTF-ELCAC.
Sa isang pahayag, sinabi ng NUJP na ang pinakahuling pag-red tag ng pamahalaan ay malinaw na walang batayan.
Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay binatikos ni NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy ang mainstream media dahil sa hindi umano pagbabalita ng mga nabuwag na guerilla fronts.
Inaakusahan din ni Badoy ang limang media organization na bahagi umano ng “network” ng Communist Party of the Philippines.
Paglilinaw naman ng NUJP, may mga police at military beat reports ang mainstream media na naatasang mag-report ng mga operasyon ng gobyerno laban sa insurhensiya.
Matatandaan din na hindi ito ang unang pagkakataon na sinampahan ng katulad na reklamo si Badoy.