Panibagong rekomendasyon ng DPWH sa mga sangkot sa flood control anomaly, isusumite sa Ombudsman ngayong linggo

Nakatakdang magsumite ngayong linggo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng panibagong rekomendasyon sa Office of the Ombudsman kaugnay ng mga sangkot sa flood control anomaly.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, tuloy-tuloy ang pagsusumite ng mga kaso sa Ombudsman upang mapanagot ang mga nasa likod ng iregularidad sa mga proyekto.

Aniya, unti-unti nang natutupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may makukulong at “magpapasko sa kulungan.”

Binigyang-diin ng DPWH na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos at napapanagot ang mga mapapatunayang sangkot sa anomalya at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Facebook Comments