Panibagong relief distribution, sinimulan na ng Las Piñas City Government

Sinimulan na ng Las Piñas City Government ang panibagong pamamahagi ng relief goods para matulungan ang mga residente nito sa ilalim ng pinalawig na Enhanced Community Quarantine mula ngayong araw hanggang May 15.

Naunang dinalhan ng relief goods ang mga nakatira sa mga Barangay ng Manuyo Uno, Daniel Fajardo, Ilaya at Elias Aldana at sa mga susunod na araw ang iba pang lugar.

Nagsagawa naman ng feeding program sa ilang barangay ang Sangguniang Kabataan o SK Federation ng Las Piñas.


Masustansya at masarap na merienda ang kanilang handog tulad ng lugaw, biskwit, at nutribun.

Naglunsad din ang lokal na pamahalaan ng mini palengke sa mga barangay ng Pamplona Tres at Manuyo Dos.

Layunin ng mini palengke na mabawasan ang bilang ng namimili sa mga pamilihang bayan at mailapit ang mga pangunahing produkto sa taong bayan.

Sa pinakahuling tala ay nasa 149 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Las Piñas habang 14 naman ang probable at 77 ang suspected cases.

Facebook Comments