Nai-refer na sa House Committee on Legislative Franchises ang panibagong resolusyon para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Matapos ang pagbasura sa prangkisa ng giant network noong nakaraang taon ay muli itong isasalang sa unang pagbasa.
Sa pag-uumpisa ng sesyon ay binasa sa plenaryo ang House Resolution No. 8298 na inihain ni Deputy Speaker at Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto na naglalayong bigyan ng prangkisa ang Lopez led-company.
Inihain ni Santos-Recto ang panukala nitong Enero ng kasalukuyang taon.
Umaasa naman ang mga nagsusulong ng panibagong 25 taong prangkisa ng ABS-CBN na kakatigan na ito sa ilalim ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco.
Facebook Comments