
Asahan na magkakaroon ng rollback o tapyas sa presyo ng langis sa susunod na linggo.
Ito na ang magiging pangatlong linggo ng rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo sa kabila ng 11 linggong sunud-sunod na oil price hike.
Ayon kay Energy Assistant Director Rodela Romero, kasama sa bawas-presyo ang P2 kada litro na bawas sa gasolina, mahigit P1 sa kada litro naman ang bawas sa kerosene at P0.70 kada litro na bawas sa presyo ng diesel.
Matatandaan nitong nakaraang Martes, October 3 nang magpatupad ang mga kompanya ng langis ng dagdag-bawas na P2.00 kada litro para sa gasolina at P0.50 kada litro para sa kerosene habang ang diesel ay tumaas ng P0.40 kada litro.
Sa huli, ipinaliwanag ng ahensya na ang mga price adjustment na ito ay nagresulta sa year-to-date net increase ng P15.30 kada litro para sa gasolina, P13.80 sa kada litro ng diesel at P8.94 sa kada litro para naman sa kerosene.









